Translations into English by J.A. del Prado

Photograph from http://blakeandrews.blogspot.com/2010/12/interrupted-sun.html
Shadow
Come. Here. On this cliff.
In an instant, with a wave of my hand,
The horizon becomes a shining city,
A great city
Of business and affluence.
On that side, look at the statue
Built in your honor.
Its arms are raised, welcoming the wind, although
Birds shit and drunkards pee on it, while
Ivies shroud it through time, as
It becomes an unrecognizable tree.
On the other side, there are bridges lit
By speeding vehicles.
An orchestra plays in a building
Where people celebrate, while kids
Continue to scatter everywhere—
They are all mine. Mere possessions.
No one else owns them. In a flash,
I can destroy them all,
Like those two towers. I will flick my fingers, look.
An explosion. Wounds on the twins.
Later on, disintegration. A scattering of ashes.
Oh the violence! What a show!
You can have everything.
What I mean is, you may have
My inimitable power that others desire:
No one can slay you. You are the killer.
And once your subjects bow down,
You will become the true king, the true god!
I only have one wish:
Bow down to me, and kiss my feet.
What I mean is, you can choose:
You may save them, those I conquer;
Or surrender them all to the clearing.
Anino
Halika. Dito. Nasa bangin tayo
At sa isang iglap, sa isang kumpas ko,
Ang abot-tanaw ay nagiging kumikinang
Na lungsod, nagmamatayog na lungsod
Ng kaabalahan, ng kariwasaan.
Sa banda roon, masdan mo ang rebultong
Itinayo para sa iyong kadakilaan—
Nakadipang yumayakap sa hangin, bagaman
Iniiputan ng mga ibon, iniihian ng mga lasing,
At patuloy na pinupulutan ng mga halaman
At nagmimistulang punong hindi na makilala.
Doon naman, ang mga tulay na pinagliliwanag
Ng nagmamadaling mga sasakyan.
May tumutugtog na orkestra sa isang gusali,
Nagdiriwang, at kalapit nito, ang mga bata,
Hindi maampat ang pagdami sa lahat ng dako—
Aking iyang lahat. Angkin.
Walang ibang nagmamay-ari. Sa isang iglap,
Kaya kong lipulin silang lahat,
Tulad ng dalawang toreng iyon. Pipitik ako, tignan mo.
At, pagsabog. Sugat na ang dibdib ng kambal.
Ilang saglit pa, pagkadurog. Gumuguhong abo.
O anong karahasan! O anong larawan!
Ikaw ay maaaring magmay-ari nitong lahat.
Na ang ibig kong sabihin, maaari ring magmay-ari
Ng aking kakaibang kapangyarihan na inaasam ng lahat:
Walang makalilipol sa iyo. Ikaw ang lilipol.
Sa pagtingala ng lahat ng iyong masasakupan,
Ikaw ang magiging tunay na hari, tunay na diyos!
Madali lamang naman ang aking hiling
Na pagluhod mo’t paghalik sa aking mga paa.
Na ang ibig kong sabihin ay makapamimili ka—
Maaari mo silang iligtas, silang aking nasasakupan;
Maaari ring isuko sa ganap na pagkalimas.
***
Midday
This is what my light can do:
An illusion. In a distant land
That eyes turn to, flows
A kind of water that slowly
Becomes sea
Or a vast body of water
That can make one thirst.
It might be saline sea-water
Or the silk flow of a river
One can drink.
Your Reckoning is at hand.
And for every light that shines
Onto your body, the omen of your last words
Howls in your consciousness.
I’m thirsty. I’m thirsty.
Listen to your voice
While my time passes by,
Greeting your solitude. In your fated
Death, in your sacrifice,
You will remember my light,
A light that burns and dries.
Tanghaling Tapat
Ito ang nagagawa ng aking liwanag:
Malikmata. Sa malayong lupain
Na binabalingan ng tingin, umaagos
Ang kunwa’y tubig at unti-unti,
Nagiging umaalong dagat ito
O dakilang katawan ng tubig
Na higit na nakapagpapauhaw,
Bagaman maaaring tubig-dagat nga ito
Na tigib ng alat o isang galaw-sutla ng ilog
Na maaaring salukan ng maiinom.
Kasagsagan nang iyong Pakikipagtuos.
At sa tuwirang pagtama ng liwanag
Sa iyong katawan, umuugong sa iyong malay
Ang pangitain ng iyong mga huling salita.
Ako’y nauuhaw. Ako’y nauuhaw.
Pakinggan mo ang sariling tinig
Habang dumaraan ang aking panahong
Bumabati sa iyong pag-iisa. Sa iyong takdang
Pagpanaw, sa iyong pagpapakasakit,
Tiyak na matatandaan mo ang aking liwanag,
Ang nakadadarang at nakatutuyong sinag.
***
A Picture in the Office
I slid your picture
Beneath the glass
Of my writing desk.
I set aside the things
Usually on top
Of the surface, the color
Of a wooden coffin.
I looked at you—
You in your blue polo,
Like an infinite sea
That I could not leap into.
In the water, I saw
The returning gaze
Of my yearning.
And I remember that
On top of your photo
Is a sheet of glass.
After all,
You are just a memento
My eyes caress.
Retrato sa Opisina
Isinilid ko ang iyong larawan
Sa ilalim ng salamin
Ng aking mesang-sulatan.
Itinabi ko ang mga bagay
Na karaniwang nakadagan
Sa kalatagang kakulay
Ng kahoy na ataul.
Pinagmasdan kita—
Ikaw sa iyong polong bughaw
Na wari walang-hanggang dagat
Na di ko nagawang lundagin
Sa tubig, naaninaw ko
Ang pagbabalik tingin
Ng pag-aasam na akin.
At naalala kong
Nakadagan sa iyong larawan
Ang pilyego ng salamin.
Kung tutuusin
Isa ka nang rekwerdong
Hinahaplos ng paningin.
***
Love Story
The Woman walks slowly
The narrow path toward the garden’s end,
Where her Love awaits,
Reading an old novel.
For clarity,
Whoever tells this story
Always writes this: A long,
Long period of war
Separated them.
Mention that before the parting,
The two Lovers etched
Their names on a bell—
A vow of everlasting attachment.
Know that after the war ended,
She never saw the Man again.
Many assumed he died
And so they played the Requiem for him.
Her feelings prevailed.
She continued her search.
And she did not fail.
This is their first meeting,
And a questioning may emerge:
What is remarkable in this moment?
As the Man closes his book,
As the Woman sits down,
The scene will end
Like rising dust.
Kuwento ng Pag-Ibig
Marahang nilalakad ng Babae
Ang makipot na landas ng hardin;
Nakaabang sa dulo ang mahal
Na nagbabasa ng lumang nobela.
Palaging hinihiling ang kalinawan
Kaya’t itinatala ito ng sinumang
Magsasalaysay: mahabang-
Mahabang panahon ng isang digmaan
Ang pumagitan.
Babanggitin rin na bago nagkalayo,
Iniukit ng dalawa sa kampana
Ang kanilang mga pangalan—
Sumpaan ng tapat na tipanan.
Bibigyang diin na natapos ang giyera
At hindi na nakita ang Lalaki.
Ipinagpalagay nang siya’y nasawi
At ipinagpatugtog ng Rekiyem.
Ngunit mananaig ang kutob ng Babae.
Patuloy siyang maghahagilap.
Hinding-hindi siya mabibigo.
Ito ang una nilang pagkikita,
At maaaring umusbong ang pag-uusig:
Ano ang bukod-tangi sa sandali?
Sa pagpinid ng Lalaki sa aklat,
Sa pag-upo ng Bababe,
Alikabok naming aahon
Ang tagpo na magwawakas.
***
Moment
We rode the escalator toward the restaurant.
Abreast, we talked about the kinks
Of our job, the work to be done
In the coming week. This is the perfect moment:
You, beside me, telling stories without pause
About how numbers did not match
The equated formulae, while I
Promptly listened to your litanies.
The skin of your fist was touching mine,
And it tingled my senses to
Hold your hand. But I was stopping myself.
Around us, the cry of a sulking baby,
The laughter of fleeting men and women,
The music of a violin played to serenade
Two lovers whose faces were brightened up
By lit candles. At the end of the escalator was the restaurant
Where a waiter opened the door
And greeted us. You tightened your necktie at once
And I again looked at a loose button
Of my shirt. The Moment was just a moment.
Sandali
Sumampa tayo sa eskalador patungo sa restaurant.
Magkatabi, pinag-uusapan ang nakapupunding
Mga gawain sa trabaho, ang mga kailangang tupdin
Sa darating na linggo. Ito’y tamang-tamang sandali:
Ikaw sa tabi ko, halos walang tigil sa pagkukuwento
Kung papaanong hindi nagtutugma ang mga numero
Sa mga binabalanseng pormularyo, habang ako
Walang kagatul-gatol sa pakikinig sa mga litanya mo.
Lumalapat ang balat ng iyong kamao sa aking kuyom
Na kamao at biglang-biglang sumisigid sa sentido
Na hawakan ang kamay mo. Ngunit natigilan ako.
Sa paligid, huni ng isang nagmamaktol na sanggol,
Ang tawanan ng paroo’t paritong mama at ale,
Ang musika ng tumutugtog na biyolin na humaharana
Sa magsing-irog na pinagliliwanag ang mga mukha
Ng dila ng kandila. Sa dulo ng hagdan, nakaabang
Ang restoran, ang waiter na nagbubukas ng pinto
At bumabati. Agad kang nag-ayos ng iyong kurbata.
Muli ko namang tiningnan ang butones na natangal
Sa aking polo kanina. Ang Sandali—sandali lamang talaga.
***
Station
Helpless, I readied myself
To leave you at the station,
While engrossed on the trains’ arrival.
You waited, hoping
To see him again.
I could not help but notice
The patter of your fingers on our seat—
The throb of anxiety. You would tell
And tell me again: The first time
You met, your first colloquy.
That nothing ended when you had risen
From his white, white bed.
It lasted five months
Until you two fought.
Again, you admitted, it’s my fault.
I lost trust. And he became
Silent. Again, dismay
Sprouted from your lips:
Maybe, all would end now.
You continued to search
The people alighting from the train;
Your eyes, remembering his face.
He’s coming, you uttered, looking
At the clock of your phone.
It’s time. Here, I chose to leave.
I knew you would say thanks,
And I would not accept it.
It was difficult to leave you
At this station, because my end
Had arrived. I won’t have
Anymore role to play in the
Next pictures—scenes
Like the first time
He would touch again
Your face—
The face I caressed earlier.
I would not look back.
And then I would hear
The familiar whistle of the train—
A signal not only
Of an arrival
But also of a return.
Estasyon
Walang kalaban-laban, inihahanda ko
Ang sarili na iwan ka sa estasyon,
Habang nakatuon sa paparating na mga tren.
Mag-aabang ka, magbabaka-
Sakali na siya’y makitang muli.
Hindi masawata ang pagtutok
Ng iyong mga daliri sa ating silya,
Ang tibok ng pagkabalisa. Ikukuwento
Nang ikukuwento: Ang una ninyong
Pagkikita, ang una ninyong pagniniig.
Na hindi nagwakas sa inyong pagbangaon
Sa kaniyang puting-puting kama.
Limang buwan na ang relasyon
Nitong huli, nang kayo’y magtalo.
Muli’y aaminin mo, kasalanan ko.
Nawalan ako ng tiwala. Kaya nagsimula
Siyang manahimik. Muli’y susulong
Sa iyong mga labi ang pangamba:
Maaaring ang lahat ay nagwakas na.
Ngunit patuloy mong susuriin
Ang mga taong bumababa sa tren;
Sa mga mata mo, ang pagsasaalaala
Ng kaniyang mukha. Paparating
Na siya, sasambitin mong nakabaling
Sa munting relo sa iyong telepono.
Oras na. Dito ko pipiliing lumisan.
Alam kong magpapasalamat ka,
At hindi ko iyon tatanggapin.
Mabigat sa loob ko na ika’y iwan
Sa estasyong ito. Sapagka’t dumating na
Sa aking ang katapusan. Walang bahagi
Akong gagampanan sa susunod
Na mga larawan—ang pagtatagpo
Na parang sa unang pagkakataon,
Ang maaaring muling pagdampi
Ng kaniyang mga kamay sa mukha mo
Na kanina’y aking hinahaplos.
Hindi na ako magbabalik-tingin.
Matapos, maririnig ko na lamang
Ang karaniwang huni ng tren,
Na maaaring hudyat
Hindi lamang ng isang pagdating,
Maging ng isang pagbabalikan.
***
Ascent to the Grotto
–Peñablanca, Cagayan
Determination is a hundred tier
Counted by steps.
At the end, we see a small chapel
With lush curtains of greens.
The traverse continues, and slowly,
The chill goes down, a sign that we are nearing
The mouth of the ancient caves.
Below, a wee waterfall falls
Into a small river
That seems to separate as it flows
From the world into the caves.
Perhaps, the secret is marvelous.
I feel a sudden fear
And it urges me to descend—
The looming unexpected drizzle,
The echoing unknown shrill cries,
The flying bats.
Footsteps are now heavier.
Body exhaustion is pulling me
Back to the sanctuary where we started.
But where indeed is sanctuary?
On the plains of a faraway land
Where the hearts of infants beat soundly?
In the Grotto awaits
A modest cathedral,
And at the shrine, one can wish
And whisper a prayer
For one’s first visit.
This is the old folk’s will:
To pray when stepping in
The chapel for the first time.
For whatever you pronounce
Will surely be heard—
A face of faith
In a place of peace, of light,
Where nearly everyone’s
fathers and sons are
Accused and killed as bandits,
Covered by newspapers
After being found the next day.
I hope for mercy
Amidst the confusion and everyone’s gesticulation.
Although the water is silent beneath
The cave and the children of the
The brawny men, who own
The anchored boats,
Are spirited as they swim,
Time clears with the death
Of many, and many accept
The images of dismay—
Oppression, explosion, execution.
I know this town by heart,
This town of my childhood,
The town of my ancestors:
Forbearance is not only for the few,
herded in old churches
Facing the wide River.
An outcry comes from the earth with the blood
Of those who went to the mountains,
Fought and died in the forest.
As wicked as the fear brought by
This journey are those who live
Outside the Grotto—the world outside.
Pestilence endures
Resembling a chain,
Like the succession of storms
Consuming all the letters of the alphabet.
Again and again, they destroy the fields
Of those hoping for an abundant harvest
And for the mouths of mills
To be filled with husks of grains.
All of these. All of these and many more
We carry, ascending to the Grotto.
And perhaps, they too, the first subjects,
Carried them into the caves—
An enchanting absurdity.
The crooked fangs of the cave
Will cut these tangled sorrows.
The mountain spring will wash
The anxiety of this age.
A few steps more and gradually
The Grotto takes shape.
The leaves thin
And the mountainside changes.
We become silent at what we see
Above—the course
Of the small river flowing toward its
Bigger body, the barrio resting
On the opposite shore,
The purl of the waterfalls in the wild.
Our laments expire
In the pilgrimage of doubt
When we have fully seen the splendor
The wind and rain molded.
The drizzle becomes a gentle blessing.
The shrill cries become songs, venerating.
The flight of bats, a homecoming.
A return to the gloom of their home.
The paradise pulsates: Proceed.
The Grotto’s dew will cleanse the suffering.
Pag-Akyat sa Yungib
–Peñablanca, Cagayan
Pagtitika ang daan-daang baitang
Na binibilang na mga hakbang.
Tinitingala namin na bisita ang dulo
Na may malagong tabing ng lungtian.
Patuloy ang pagbagtas at unti-unti,
Bumababa ang lamig, tanda ng paglapit
Sa bunganga ng mga antigong lagusan.
Sa ibaba, matatanaw ang maliit na ilog,
Na binabagsakan ng mumunting talon,
At waring naghihiwalay sa tinatawid
Na mga kuweba mula sa daigdig.
Marahil, kamangha-mangha ang lihim.
Kagyat na sumalubong ang hilakbot
At bigla’y nais ko nang bumaba—
Ang nagbabadyang biglang pag-ambon,
Ang alingawngaw ng mga di kilalang huni,
Ang pagpailambo ng mga paniki.
Lalong bumigat ang mga yabag.
Hinila ng pagkahapo ang katawan
Pabalik sa kaligtasan ng pinamuhatan.
Ngunit nasaan ba ang kaligtasan?
Sa patag kayang may himbing na tibok
Ng mga sanggol sa kabilang ibayo?
Sinasabing naghihintay sa Yungib
Ang isang mayuming katedral,
At sa dambana’y maaring humiling,
Umusal ng baong panalangin
Lalo’t sa kauna-unahang pagdalaw.
Iyon ang habilin ng matatanda:
Ang manalangin kapag sasampa
Sa simbahan sa unang pagkakataon.
Sapagkat anumang bigkasin
Ay buong lugod na pinakikinggan—
Isang mukha ng pananampalataya
Sa isang pook na payapa, ng liwanag,
Sa panig na halos namuhay ang balana
Na pinapatay ang mga ama at anak
Na napagkakamalang tulisan
At tinatakpan ng mga peryodiko
Kinabukasan matapos matagpuan.
Umaasa akong may pagpapala
Sa gitna ng gulo at galaw ng lahat.
Bagaman tahimik ang tubig sa paanan
Ng kuweba, at masiglang lumalangoy
Ang mga batang anak na kasama
Ng matitipunong amang may-ari
Ng nakadaong na mga bangka,
Naglilimas ang oras sa kamatayan
Ng marami at halos nakakagisnan
Ang mga imahen ng bagabag—
Pananakop, pagsabog, pamumugot.
Kilalang-kilala ko itong bayan,
Itong bayan ng aking kamusmusan,
Ang bayan ng aking kanunununuan:
Hindi iilan ang nagdidildil ng asin
Na pinapastol sa mga lumang simbahan
Na kaharap ng malawak na Ilog.
Sumisigaw mula sa lupa ang dugo
Ng mga lumabang namundok
At namatay sa gubat na naririto.
Kasinsahol ng takot na dulot
Nitong paglalakbay ang namamahay
Sa labas ng Yungib—sa daigdig.
Hindi mapuksa ang mistulang
Dugtung-dugtong na mga salot,
Tulad ng mga sunud-sunod na bagyo
Na umuubos sa mga titik ng alpabeto.
Makailang-ulit na nasalanta ang bukirin
Ng marami ritong umaasang sagana
Ang anihan at mapupuspos sa ipa
Ang nguso ng mga kiskisang-palay.
Itong lahat. Itong lahat at marami pa,
Ang dala namin paakyat ng Yungib,
At marahil, ng mga unang nagpasakop
Sa mga pinapasok na mga kuweba—
Isang kaibig-ibig na balintuna.
Mapapagot ng sungki-sungking pangil
Ng kuweba ang salasalabid na dusa;
Huhugasan ng bukal ng bundok
Ang pagkabalino nitong panahon.
Ilang baitang pa’y unti-unting
Nagkakahugis ang Yungib.
Numipis ang mga dahon
At napalitan ng tagiliran ng bundok.
Nanahimik kami sa namamalas
Sa gawing itaas—ang paglilikot
Ng maliit na ilog patungo sa kaniyang
Mas malaking katawan, ang baryo
Na namamahinga sa kabilang pampang,
Ang lagaslas ng mga talon sa ilang.
Tumahan ang pamamalahaw
Namin sa peregrino ng agam-agam
Nang tuluyang mamalas ang kariktan
Na hinubog ng hangin at patak ng ulan.
Naging banayad na basbas ang ambon.
Naging awit-pansamba ang mga huni.
Ang paglipad ng paniki’y pagbabalik,
Pag-uwi sa ligtas na dilim ng tahanan.
Ang paraiso’y pumintig: Tumuloy.
Patak ng Yungib ang lilinis sa ligalig.
***
Author’s note: A colleague from last year’s J. Elizalde Navarro Workshop for Arts Criticism, J.A. del Prado, has been painstakingly translating some of my poems from the first book, At Sa Tahanan ng Alabok.
Del Prado earned his Bachelor of Arts degree in Literature, cum laude, from the University of Santo Tomas in 2012. He was Vice-President of the UST Literary Society for two years, and member of the Thomasian Writers’ Guild and the UST Scarlet. He is fellow of the 4th and 5th The Varsitarian Fiction Workshop, and the 12th Soul Project Creative Writing Workshop He currently works as a writer for an American online advertising firm in Makati City.
